Filipino : Wika ng Edukasyon at Kalinangan
Ang Filipino ang ating pambansang wika, ito rin ang nagsisilbing
pagkakakilanlan natin. Ito rin ang ating ginagamit na wika sa pagtuturo sa
ating pangaraw-araw na pakikipagsalamuha sa iba. Simula noong nasakop
tayo ng mga naturang dayuhan, unti-unting nahahawaan ang ating wika.
Tila nagkakaroon ito ng ibat-ibang bersyon. Ngunit ganun paman, dapat nating
Tandaan na ang paggamit ng ating sariling wika ay nagrespeto sa ating kultura.
Ang ating wika ay nakatutulong sa pagtuturo at edukasyon. Subalit
sa kasalukuyang estado ng ating lipunan, hindi na ito nabibigyan ng halaga.
Ang mga mag-aaral ay sinasanay kaagad na matututo ng salitang
Ingles upang makasabay tayo sa malawakang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
subalit dapat hindi rin nati isangtabi ng tuluyan ang ating sariling wika. Sa paggamit
ng ating sariling wika, kaya nating linangin at hubugin ang ating sarili, upang
upang mapa-unlad ang ating sining at kultura. makatutulong ito upang mas
maintindihan at lubos na maunawaan nating ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng sariling wika.
Ang wika ang nagsisilbing tulay nating upang maipahayag sa iba ang ating
damdamin at mga emosyon. Ito rin ang nag-sisilbing daan upang tayo ay magka-
isa. Marahil ang iba satin ay mas gustong gumamit ng wikang banyaga kaysa
sa sariling wika natin. Pero may iba rin namang kahit nangibang bansa ay di
pa rin nakakalimot sa sariling wika. Ayoko sanang tuluyang maglaho ang ating
kultura at mapalitan ng kultura ng mga banyaga. Sana ipagpatuloy ng ating mga
guro ang pagtuturo nila gamit ang sariling wikang kinagisnan natin. Bigyang halaga
natin ang ating wika sa pamamagitan ng pagmamahal at paggamit sa ating wika.
Hinihimok ko ang bawat isa satin na magka-isa at wag tumigil sa pagpapahalaga
Hinihimok ko ang bawat isa satin na magka-isa at wag tumigil sa pagpapahalaga
sa naturang wika. Subukan pa nating mas paunlarin at palawakin ang ating kaisipan
upang ma-isapuso natin na dapat nating lingangin at pahalagahan ang ating wikang
kinagisnan. At ang lahat ng ito ay nagsisimula sayo.