Martes, Agosto 16, 2016

                   FILIPINO:WIKA NG KARUNUNGAN


              Ang wika ay ginagamit natin sa pang araw-araw interaksyon. Ang wika din ang nag-uugnay sa ating kaalaman. Sa pamamagitan ng wika lahat tayo ay nagkaroon ng karunungan, nalalaman din natin ang mga bagay-bagay. Napakahalaga ng wika sa atin, dahil dito natin naisalin-salin ang atin mga karunungan. 

            Ang wika ng karunungan ay tulay ng ating pagkakaisa, wika din ang ating ginagamit para mapaunlad at mapayaman ang ating karunungan. Ang ating wika ay ating pagkakalilanlan sa ating pinagmulan. Ang ating wika ay pabago-bago, umuunlad at lumalawak. Dahil din sa wika lahat tayo nagkakaintindihan, pero may mga Pilipino na mas bihasa pa sa banyagang wika kaysa sa sariling wika. Karamihan sa ating kababayan ay nilamon na ng mga dayuhan kultura. Tila nakakalimutan na nila na ang paggamit sa ating sariling wika, ang paggamit sa sariling wika ay nagpapakita ng pagrespeto sa ating kultura. Makatarungan din naman ang paggamit ng wikang Ingles, dahil dito ay nakakatulong upang maging madali tayong makasabay sa makabagong sistema, ngunit sana ay huwag natin isantabi nalang ang ating sariling wika. Ang iba sa atin ay mas gustong magbasa ng mga aklat na nakasalin sa Ingles, Ang iba naman ay mas nasisiyahan na manood ng mga pelikulang galing sa hollywood. Para sa aking pahayag ang paggamit sa sariling wika sa pagtuturo ay nakakatulong upang mas madaling maunawaan nating mabuti ang mga tinuro sa atin. 
                Base sa pansarili kong opinyon, kaya ang ibang mga mag-aaral ay nahihirapan sa pag-intidi sa mga itinuturo dahil mga banyagang wika ang ginagamit sa pagtuturo kaysa sa sariling wika na mas madaling intindihin. hindi tulad sa ibang bansa na mas madali silang natututo dahil ang sariling wika nila mismo ang ginagamit sa kanilang pagtuturo. Ang mga mag-aaral ay dapat na mas turuan pa ng Filipino kaysa sa Ingles kasi habang sila ay lumalaki mas madali na nila itong maisalin dahil kaya na nila itong intindihan sa Filipino, mas madali nilang matutunan ang mga aralin kung ang gagamitin nating wika sa pagtuturo ay ating sariling wika. Kaya dapat tayo mismo ang gumawa ng paraan, wag natin hayaan ang ating sarili an lamonin ng sistema nga mga dayuhan. Mahalin at igalang natin ang natin sariling wika sapagkat ito ang sumisimbolo ating pagiging maka pilipino at ang lahat ng ito ay nagsisimula sayo.     

2 komento: